10. Ang walang sawang Through the Years at Close to You ni Sir Ervin!
9. Yung pagkakataong pinaglaruan kami ni Sir Fajardo dun sa MP. Haha. Ayos yung trip na yun! :P
8. "Liko sa kenan, na!" Pis tayo, Sir Rosa. :P
7. Ang mga banat ni Patty! Haha. Walangjo, ang boring ng mga training namin kung hindi dahil sa 'yo! Haha. Salamats!
6. Mamimiss ko yung usok at hirit ni Pugo pag PT. :D
5. Sinagtala, naaalala pa ba ninyo yung pagtatampo ni Sir Jhanna sa tuwing hindi natin siya nababati? :P
4. PAENG! Mamimiss ko yung paglalaro mo! Haha. Grabe. :P
3. Ang kilig moments namin ni Krisha! Ahay!
2. CHRISTINE! Haha. Hindi ko malilimutan yung pakiusap mo sa akin na "ilabas ang organ ko"! Haha. In fairness, maraming nakilaro sa organ ko. Sa katunayan nga, hindi ko na siguro tatanggalin yung organ kong de-kuryente sa Corps Office, para mararaming makapaglaro at makahaplos nito... :D
1. At siyempre yung bonding moments atbp. naming magkakapatid. Haha. :P
Sa pang-uudyok ni Kuya Maki, minarapat kong gamitin ang sariling wika sa pagkakataong ito.
Halos siyam na buwan nang huli akong gumawa ng pagpaparamdam sa blog ko.
Nagbabalik ako upang magkuwento.
Tapos na ang isang taong pamamalagi ko sa UPIS. Dalawang buwan na lang, magsisimula na ang huli kong taon sa UP Naming Mahal. Nawa'y maipasa ko at ng mga kasapi ng Batch 2009 nang matiwasay ang lahat ng kukunin naming pagsusulit para sa kolehiyo. Mga katoto, magkita-kita dapat tayo sa unang taon natin sa kolehiyo sa Unibersidad ng Pilipinas.
Marahil ay sinabi kong hindi ko magugustuhan ang taong ito ng aking pag-aaral. Sa wakas, nagkamali ako. Marami akong dapat pasalamatan sa taong ito.
Panginoon, salamat sa lahat ng biyayang naibigay mo sa taong ito sa akin: materyal man o hindi. Lubos kong pinagpapasalamat ang pagpapalang ibinibigay mo sa akin. Salamat.
Nagkaroon ako ng matalik na kaibigan. Sa wakas. Dati, iniisip ko na mabubuhay ako nang mag-isa lang, nang walang kaibigan, nang sinasarili ang lahat. Ngayon, hindi na. Salamat, Kuya Maki. Salamat at hinayaan mo akong kilalanin ka at magpakilala sa iyo. Pasensya sa lahat ng pagkakataong hindi tayo nagkaintindihan at nagtampuhan. Huwag kang mag-alala, hindi ako nagsisising nakilala kita at naging malapit na kaibigan. Salamat sa lahat.
Kuya Jero, salamat at nagkakilala tayo. Natutuwa ako dahil napili mo kaming 2 ni Kuya Maki na maging kapatid. Salamat sa lahat ng oras na ginugol at ginugugol mo sa aming dalawa. Sana nga ay magkatapatid talaga tayo, haha. Ang bawat segundo, minuto, at oras ng pagsasama nating tatlo ay lubusang ikinagagalak ng aking kalooban. Sana'y bisitahin mo pa kami sa naging paaralan mo sa susunod na taon. Matutuwa kami, sobra.
Sagarmatha, salamat sa lahat ng pinagdaanan natin. Marami akong nakilalang mga tao sa inyo na hindi ko kilala dati. Mas marami naman akong nakilalang mga tao na kilala ko lang dati sa pangalan. Mag-ingat kayo sa anumang tahakin ninyong landas sa buhay. Ikinatutuwa kong naging mga opiser namin kayo. Hindi ko pinagsisisihang nag-COCC ako, kahit dati nagdalawang-isip ako. Sa katunayan, ngayong nakuha ko na ang kurso, masasabi kong malulungkot pa nga ako kung hindi ko kinuha ang kurso. Hindi ko na alam kung papaano ko gugugulin ang huling taon ko sa paaralan kung hindi ako napasama rito sa Corps.
Sinagtala. Salamat sa mahigit na anim na buwan ng pagsasama. Hindi ko inakalang magtatagal ako, o tayo, sa COCC. Congratulations nga pala sa atin, mga co-CO! Sana'y magbunga ng maganda ang huling taon ng pamamalagi natin sa UPIS. Sana ang mga plano natin para sa Corps at maging sa paaralan ay maging maayos.
Mga guro at kaklase. Salamat sa isang taon ng pakikisama at kaalaman.
Nokey! TAMA NA ANG SENTI! HAHA. :P
Nasa Batangas ako ngayon, nakahiga sa itaas ng double deck bed at nag-i-Internet. Kanina lang ulit ako nakatapak ng buhangin! Wootwoot! Hmm.
Rars. Ang saklap naman. Huhuhu. Sa lahat ng maiiwanan ko sa bahay, yung tsinelas ko pa! Yun pa! :)) Pogi naman. Mabato pa naman yung dalampasigan.
Nakakabanas, ang dami ko pang proyektong ihahabol. Epots. Hello, reaction paper ng Sa Liyab ng Libong Sulo. Mamatay ka nang sulo kaaaaaaaa! At may CWF pa. Kelangan kong gumawa ng kuwento ng tauhan. Yung nauna kong pinasa na kuwento ng tauhan, naisip ni Ma'am na kuwento ng pag-ibig! Peste. Haha. Yung sumunod ko pang kuwento ng pag-ibig ay hindi naman nakarating kay Ma'am. Ano ba yan. Kalbaryo!
Magsisimula na ang kalbaryo ko sa Ateneo sa ika-16 ng Abril. AJSS = Ateneo Junior Summer Seminar. Kasali ako sa ika-41 na batch. Grabe, ang strikto nila!
"<10 minutes late = 1 late
3 lates = 1absence
3 absences = drop from the course"
Kumusta naman yun! Haha. Patayan na lang eh.
Hmm... Napiga na yata yung utak ko sa post na ito na isinulat ko sa loob ng isang oras. Haha. Sige, sa sunod na lang.